Thursday, June 23, 2005

Untitled II

mapapatawad pa ba sa gitna ng pag-aalinlangan?
matututunan pa kayang pagkatiwalaan matapos ang mga kasinungalingan?
o magiging manlalakbay na puno ng poot at hinagpis
mula sa nakaraan, isang nakaraang humihila sa iyong mga paa...

tulala at nagkukunwari…
tila nananahimik, subalit hindi mapakali…
sa pagdilat ng mga mata, unti-unting nabasa ang mga labi
ng mga luhang tumutulo sa iyong mga pisngi...

hanggang kailan mananatili ang pag-asa?
hanggang saan ang dapat tahakin bago maghilom ang sakit?

hanggang kaya mo pa, hanggang humihinga pa
hanggang kaya pa, hanggang nagmamahal pa