nang sumikat ang araw sa dakong paroon,
isang umaga ang aking nasilayan...
kay tagal ng panahon bago ko naintindihan
ang init na bumabalot sa bilog na apoy
mabigat ang dinadala ngunit patuloy na nagbibigay
nakikinig, nakikidalamhati...
nasasaktan subalit nagtitiis,
patuloy na nagbibigay ng init, ng pagmamahal
umiiyak, sumasamong matapos na ang lahat
subalit sa gitna nito'y pinipilit maging matatag
para sa kanya, para sa kanya...
hindi para sa sarili...hindi para sa akin
ikaw ang araw niya,
ang nagbibigay ng buhay,
ang nagpapasabog ng kinang,
ang nag-aalay ng init na lulan ng pag-ibig
siya ang iyong buwan,
ang nagbibigay liwanag sa iyong mundong madilim,
ang kumakalinga tuwing ika'y naninimdim,
ang nagsisilbing pag-asa sa buhay mo
Patalastas – isang pagninilaynilay

para sa iyo, para sa iyo...

ako ang iyong araw, ang iyong buwan, ang iyong bituin
subalit mistulang ika'y naliligaw sa ibang kalawakan
tila hindi napapansin ang init na dumadaloy mula sa akin
pagkat siya ang inaasam mo, siya ang nais mo
nang sumikat ang araw sa dakong paroon,
natagpuan ang aking hangganan
kay tagal na panahon bago ko naintindihan...
ang apoy, mula man sa nagsisilab na damdamin
ay maaaring mahawi, kung hindi inalagaan,
kung hindi inaruga, kung hindi pinahalagahan...
ako ngayo'y hangin na lamang
minsan mong nadama ang init ng aking pagmamahal
minsan kong naisip na manatili
ngunit kaibigan, sa ating buhay, ako'y nakatakdang dumaan lamang
ako ang iyong araw, ako ang iyong buwan, ako ang iyong bituin
nasa langit, dumudungaw…

nasa langit, iyo ngayong tinitingala…
pilit inaabot, pilit hinihila pababa sa lupa
pagkat ako ang iyong araw...
ang iyong buwan
ang iyong bituin…
pagkat ako ang kaibigang umibig, nagpakabulag…
hindi para sa kung sinuman,
kundi para sa iyo.